Wednesday, February 23, 2011

Ang Makulet na Bata
 Ang talambuhay ni Odigerb Flores
       
        Ako ay si Odigerb V. Flores na ipinanganak noong Pebrero 11 1995. Ako ay anak ni Edina V. Flores at Brigido A. Flores. Ipinanganak ako ditto sa San Pablo at nakatira sa Barangay Sta. Filomena San Pablo City. Tuwang-tuwa po ang aking mga magulang ng ako ay isinilang sa kadahilanang ako po ang kanilang unang anak. At ako po ay bininyagan noong Hulyo 6 1996 dito sa Catholic Church sa Barangay Sta. Filomena San Pablo City. Marami po akong naging Ninong at Ninang at lahat po sila ay Masaya lalung-lalo na po ang aking mga magulang at marami po silang inihanda pagkatapos akong binyagan.
      
Ako noong Isang Taong Gulang
       At nang ako ay nag-isang taon ay masayang-masaya ang aking mga magulang dahil unti-unti nang tumitibay ang aking mga buto at ako ay lumulusog. At katulad din ng ako ay binyagan mas marami naman nagbuhat sa akin lalo na ang aking Ama at Ina, mga tiyuhin at mga tiyahin. Palagi po akong pinapatulog at hindi po ako hinahayaang magutom ng aking mga magulang. At pati mga lamok ay hindi makalapit sakin dahil sa sobrang pagbabantay ng aking Ina. Hindi talaga ako pinapabayaan ng aking Ina lalo na noong ako`y nagkasakit sobra-sobra na talaga ang pag-aalagang binibigay sa akin.
      
Ako noong Dalawang Taong Gulang
       Noong ako ay magdalawang taong gulang ay kakaunti lamang ang inihanda dahil wala kaming pera at sinabayan pa ng aking lagnat kaya ang dapat na pang handa nang marami ay ibinili nalang ng gamot para agad ako.
      
       Tatlong taon gulang na po ako at unti-unti na pong dumadami ang aking mga kaibigan at araw-araw po kaming naglalaro ng aming mga laruan. Hanggang mag-apat na taon na po ako ay hindi pa rin nagbabago ang mga kaibigan ko na mababait pa rin at palagi pa rin nag papahiram ng kanilang mga laruan.
        
Ako noong Limang Taong Gulang
       At ako po ay limang taong gulang na po ay pinapasok na po ako ng aking ina sa Kinder at ako ay palaging umiiyak ng makikita kong  umaalis ang aking ina sa aming room dahil wala pa po akong kaibigan, at nang tumagal na kaming magkaklase ay naging kaibigan ko na rin sila.
      
       At ngayon na ako ay Grade I na, kami parin ang mga mag kaklase dito sa paaralan ng Sta. Filomena Elementary School. Marami-rami rin naman ang mga bago naming mga kaklase na aking unti-unting kinikilala at ako ay nakipag kaibigan.
     
       At bago ako makapag Grade I ay ipinanganak naman ang aking kapatid na babae na si Krizzia V. Flores noong Abril 17 2001 at masayang-masaya naman ako nang isinilang ang aking kapatid dahil magiging kuya na ako at magkakaroon na ako ng kapatid at ito ay isang babae. Ito ay aking aalagaan tulad ng pag-aalaga sa akin ng aking mga magulang na kahit ngayon ay ganun parin. At nagpasukan nap o at ako pa ay isang Grade II na at ako po ay masayang-masaya dahil nalampasan ko na naman ang isang taong pag-aaral at palagi po akong napapagalitan at pati na mga kaklase ko dahil sa kaingayan ng buong klase namin.
     
       Marami akong naging karanasan ng ako ay tumungtong ng Grade III at nag Grade IV na po ako. Mas marami po akong naging kaibigan at naging kakulitan at maging kalaro sa araw-araw marami kaming nilalaro tulad ng sipa at huli-huli.
    
      At nang ako ay mag Grade V ay hindi ko makakalimutan ang parte ng Elementary dahil sa taong iyon ay doon ako unang nakipag suntukan dahil lang sa hindi pagkakaunawaan at ang aking kaaway ay hindi ko nalang pinatulan at pinag pasensyahan ko nalang para wala nang gulo.
    
Ako na Gagraduate
     At Grade VI na po ako. Ako ay nag-aral ng mabuti dahil baka ako ay hindi makaGraduate at hindi makapag High School dahil sa isang pagkakamali lamang maige nalang na ako ay nakaGraduate at marami nag-iyakang mga kaklase ko dahil kami ay magkakahiwa-hiwalay na.
    
      Masayang-masaya na po ako noong ako ay makatungtong ng First year. Marami na naman po akong nakilalang bagong kaklase at naging kaibigan ko po sila.
    
      Nang ako ay Second year na pinag-igihan ko pa ang aking pag-aaral para makapag Third Year at makasali sa JS at pinag-igihan ko pa nga ang aking pag-aaral at ito ay may ibinunga naman at ako ay nakapag Third year.

     At ako ay Third year na nga at ako ay masayang-masaya dahil nakaalis na ako sa Second year medyo kabado pa nga ako dahil baka hindi ako makapag Third year. At nang nag JS na nakasali naman ako at ako ay Masaya dahil ang saya naman ng aming JS dahil marami sa aking mga kaklase ang sumali din. Laking pagpapasalamat ko ng ako ay maging Fouth year.
     
Siya yung babaeng nagpapasaya sa akin
Ako noong Sci.camp
    Masayang-masaya po ako at ako po ay nakapag Fourth year na. at may nadagdag na naman na mga bagong kaklase at yung mga kaklase ko noong First year ay kaklase ko parin ngayon at puro pa rin kami kalokohan at lalong tumitibay an gaming pagsasamahan. Apat na taon na kaming magkakasama ng aking mga kaibigan sa High School. Minsan nag-aaway dahil lang sa hindi pagkakaunawaan at minsan naman tawanang-tawanan dahil sa kalokohan nang isa napapatawa na lahat. At sana maging sa pagtanda naming lahat ay sana hindi magkalimutan at wala sanang magbago sa kanila. Nang kami ay mag Fourth year marami ding nahiwalay sa aming mag kaklase, mayroong tumaas ang seksyon at mayroon din naming bumaba dahil kapabayaan sa pag-aaral. Maige nalang ako ay hindi bumaba at hindi rin tumaas ganun pa rin ang aking seksyon. At nang malapit na ang JS at sakton namang Birth Day ko ay hindi nalang ako sumali dahil hindi naman kasama ang aking GirlFriend kaya naman nagpakasaya nalang akong kasama siya at ang aking mga magulang. Masayang-masaya ako nang binati ako ng aking Ina at Ama, at maya-maya ay binati na rin ako ng kapatid ko pag kagising niya. Masaya rin naman ako ng binigyan ako ng regalo ng GirlFriend ko at ang regalo niya sa akin ay isang Polo Shirt. Nahihiya pa nga siyang ibigay sa akin at hindi ko naman ang dahilan kung bakit siya nahihiya. At sana naman ay makapagtapos ako ng High School at sana ay makatungtong ulit ako sa stage na kasama ang aking Ama at Ina. Gusto kung makapagtapos ng pag-aaral para ako naman ang makatulong sa aking mga magulang.

Monday, February 21, 2011

Ang Babaeng Laging Huli sa Klase (Ang Talambuhay ni Hazelyn Solis)

              


      Ako si Hazelyn Solis, isinilang ako noong ika-15 ng Abril,1995 sa Sta. Ma. Magdalena S.P.C.Ang aking mga magulang ay sina Agustin at Teodora Solis.Pang anim ako sa walong magkakapatid.

      Noong ako ay ipinaglilihi pa lamang ng aking ina hindi siya makatulog ng ayos.Ipinaglilihi ako noon sa balot.Buwanan kung magpatingin sa doktor ang aking ina para matingnan ang kalusugan ko at nang aking ina.Magwawalong buwan na ako ng ipinagbubuntis ng aking ina  ay madalas sumakit ang tiyan niya.Siguro nga ay malapit na niya akong ilabas sa kanyang sinapupunan.Hindi na rin siya makatulog ng ayos.Manganganak na ang aking ina ngunit hindi na nadala sa hospital ang aking ina.Tumawag nalang ng hilot ang aking mga tiyahin na magpapaanak sa aking ina.Hindi mapakali ang aking ama hanggat hindi pa ako nailuluwal kaya ng marinig niya ang aking iyak ay naging kampante na siya.Napakasaya nila ng mga araw na iyon.Magpepyesta na at doon na isinabay ang aking binyag.
ito ang aking larawan noong ako ay isang taong gulang kasama ko ang aking mga pinsan


        Isang taon gulang ako sa larawang iyan.Buhat ako ng aking pinsan dahil kukuhanan kami ng picture.Kailangan pa daw akong patawanin bago kami picturan.Naiyak ako kapag hindi ako kinakausap at hindi binubuhat.Mahirap ako patahanin hanggat wala ang aking ina dahil kapag ina ko ang bumuhat sakin ay saka lang ako tatahan.                                                    
     
ito ay aking larawan noong ako ay dalawang taong gulang pa lamang pa lamang,nasa bahay ako ng aking lola


        Ang larawan na ito ay noong ako ay dalawang taon gulang pa lamang.Kaarawan ko noon at sa bahay ng aking lola ginanap ang ang aking pangalawang kaarawan madaming tao,syempre meron din namang mga dalang regalo.Marami akong handa kaya maraming pumunta.Ang mga tiyahin ko ay tuwang tuwa sa akin dahil mataba at ang cute ko pa daw.Sa edad na tatlo ay napakalikot ko na kaya minsan ay nagkakaroon ako ng peklat.Limang taong gulang ako ay lagi akong napapalo ng aking ama dahil napakaiyakin ko.Lagi nalang akong napagsasabihan dahil sa laro nalang ang aking inaatupag.Kaya kapag nagkakasama kami ng aking mga pinsan ay napakagulo namin.Lagi kami naglalaro ng sipa bola,patintero at kung gabi ay taguan.Ang mga larong iyan ay ang malimit naming laruin ng aking mga pinsan.Napakaduwag ko noon kaya hindi ako nagtatago kapag nag iisa.Uuwi lang ako sa aming bahay kapag gutom at tinatawag na ako para kumain.Kinaumagahan ay napakaaga kong gumising dahil kapag narinig ko ang mga pinsan ko ay mabilis akong babangon at kakain pagkatapos ay lalabas para maglaro.
  
      Noong ako ay limang taong gulang din natutong magsulat.Pagtungtong ko ng unang baitang sa elementarya ay hindi naging madali para sa akin.Sa tuwing ako ay papasok ay lagi akong naiyak hindi ak0o maiiwan ng aking ina sapagkat humahabol ako sakanya.Minsan pa nga ay kapag ayaw kong pumasok ay napapalo ako ng aking ama.Sa paglipas ng mga araw ay naging madali na sa akin.Hindi katulad noong unang araw ng pasukan.Nakilala ko at naging close ang aking mga kaklase .Pero hindi ko pa rin maiwasan ang mahuli sa klase.Ikalawang baitang na ay hindi na naiba ang aking mga kamag-aaral.Ang mga kamag-aaral ko noong nasa unang baitang ako ay sila parin ang aking mga kaklase.Sa pagtungtong ko sa ikalimang baitang ay nakahiliga ko ang maglaro ng soccer.Sinali ako ng aking guro sa soccer para sa nalalapit na district meet namin.Ayaw akong pasalihin ng aking ina sa laro ngunit wala siyang nagawa dahil iyon ang aking nagustuhan.Nanalo kami sa district meet at lima kaming napili para lumaro sa division meet.Sa unang laro namin ay natanghali ako ng gising kaya nakakahiya dahil nagantay ang coach namin ng matagal.Unang laro namin ay ambray ang aming nakalaban.Sobrang saya ko noon dahil ako ang unang nakapagpashoot ng bola sa team namin.Tuwang-tuwa ang coach namin sa akin.Nang makalaban namin ang Fule Almeda ay doon ako natamaan nang sbola sa mukha.Sila din ang nanalo sa larong iyo kaya nanlumo kaming lahat.pero sabi ng aming coach "ayos lang iyon hindi naman nasayang ang pagod ninyo kahit papano ay binigay nyo nang husto ang effort nyo".Kahit na wala kaming nakuhang place ay ayos lang dahil nagkaisa kami at naging masaya.
     Pagtungtong ko sa ikaanim na baitang ay lagi pa rin akong huli sa aming klase.Ako ang pangalawa sa pinakamalapit sa aming magkakaklase.Ngunit lagi parin ako nahuhuli.Malimit na rin akong lumiban sa klase sa dahilang graduating ako.Hindi na rin ako pinasal ng aking guro sa soccer dahil sa aming RAT.Sa aming graduation day halos lahat kami ng aking kamagaaral ay napaiyak habang kumakanta ng aming graduation song.Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil lahat kami8 a nkagraduate.
   
      Sa pagpasok ko nang firstyear ay napili kong pumasok sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National H/S dahil doon nagtuturo ang aking panganay na kapatid.Noong una mukha pa akong tanga kase hindi ko pa alam ang pasikot-sikot sa lugar na iyon.Ang dami rin na nagsasabi na estudyante doon na parang mga tanga ang first year at tandand tanda ko noon balugain pa ako.Sa unang araw ko na pumasok ako ay nahuli ako sa unang subject namin.muntik na rin akong mapaiyak dahil sa hiya.mabuti nalang at kaklase ko ang aking dating kaklase sa elementarya.Lumipas ang mga araw na nakilala at nakausap ko ang aking mga kaklase.Mukha kaming tanga dahil lagi kami9 naglalro ng sipa at chinese garter.Napapagalitan ako ng aking ina dahil nireregla na daw ako ay naglalaro pa ako.Noong first year ako ay mabait at palakaibigan ako at first year ako ay lumaban kami nanag ibong adarna.Natalo kami pero ayos lang.Noong ako ay nag 2nd year dito na ako natuto manamit at mag-ayos,dito rin ako ngsimulang magka bf.Iba ang feeling nang may bf nagiging inspirasyon mo siya kapag pumapasok ka.





ito ay larawan ko noong kami ay lumaban ng Florante at Laura kasama ko ang aking kaibigan na si Katherine


      Ang larawan na iyan ay noong kami ay ay nagpresent ng Florante at Laura.Ang kasama ko sa larawan na iyan ay si katherine.Isa siya sa matalik kong kaibigan date.Kami ang aawit noong time na iyon.Nakamit namin ang 2nd place sa lahat ng mang aawit.Hindi lang kami ang may place na nakuha kundi lahat kami.Matatapos na ang taon ay saka pa ako nagkaroon ng problema.Bagsak ako sa isa kong asignatura at ayun ay ang A.P.Napaiyak nako  noon dahil kahit na anong pakiusap  ko ay hindi tinatanggap.Kaya sa pagdating ko sa 3rd year ay napakahirap.Napakahirap sa akin dahil kailangtan kong pumasok ng 7:00 para sa aking back subject.Mahirap din sakin dahil ang guro ko pa noon ang naging guro ko sa aking back subject.Lumipas ang araw na lagi akong nahuhuli at dumating ang oras na hindi na ako tinanggap nang aking guro.Mapapaiyak na ako noon pero sinabi sa akin nang aking advicer "bruha ka wag kang umiyak pumunta kay mam Perez baka pwede ka doon".Sobrang saya ko dahil tinanggap ako ni mam Perez.


ito ay larawan ko noong kami ay nag js noong 3rd yr kasama ko rin ang aking mga kaibigan


       Isa pa sa hindi ko makakalimutan ay ang aming js prom.Ang saya saya pala lalo na kung first time mo lang.Kung sinu-sino ang nagsasayaw sayo kaya noong mga araw na iyon ay sobrang saya ko at ito ang hinding hindi ka malilimutan sa buong buhay ko.At sa wakas ay naipasa ko ang aking A.P 2.
ito ay larawan ko ngayong 4th yr kasama ko ang aking mga kaibigan na sina angel at lyza


    
       Ngayon ako ay 4th year ay napakasaya ko.Ang aking mga bagong kaibigan ang napapasaya sa akin.Si Alyssa at Angelou ang nagpapasaya sakin.Kapag meron akong problema ay sila ang nagpapalakas ng aking loob.Sila ang kaibigan na hindi nang iiwan sa ere.Kaibigan na maituturing kong kapatid.Katulad nila,ngayon ay ginagawa ko ang lahat para ako ay makasama sa mga gagaraduate.Hindi lang para sa aking magulang at kapatid pati na rin sa aking sarili.

Sunday, February 20, 2011

Ang talambuhay ni Aileen V.Catapang
Kaming Dalawa ng Kakambal ko noong Isang Taong Gulang palang
Ako si Aileen V.Catapang anak nina Norieta Catapang at Loriedo Catapang.Ipinanganak noong march 22,1994. Sa edad na tatlong taon ay naulila na kaming anim na magkakapatid sa aming ama.Naghanapbuhay mag-isa ang inay para mabuhay kaming magkakapatid. Nang trabaho na inay ay nagtitinda ng mga stuff toys at kung anu-anu pa.sila ay nadayo sa ibat-ibang lugar at doon natutulog. Umuuwi naman siya minsan at sa tuwing uuwi siya ay masayang-masaya na kaming magkakapatid dahil matagal naming siyang hindi nakita.kapag aalis na ulit siya ay nalulingkot na ulit ako dahil matagal na ulit siya bago umuwi.minsan kapag walang mag-aalaga  samin ay ipinahahabilin niya kami sa tiya naming. Kahit nakakalungkot ay pumapayag na rin ako dahil para rin naman samin ang ginagawa niya.
Kahit maaga akong naulila sa Ama ko ay nagging Masaya naman ako bilang bata kasana ang mga kapatid at mga kalaro ko, paggising pa lang sa umaga ay napunta na agad kami sa aming laruan doon sa manggahan. Naglalaro kami simula umaga at kapag nagutom ay umuuwi muna kami sa kani-kanilang bahay. Ang kuya ko ang nagluluto n gaming pagkain dahil wala ang Inay.
Anim na taong gulang na po ako nang pumasok ako ng Grade I hindi na ako pinagKinder dahil hindi na kami nya mababantayan dahil nagtatrabaho siya. Pero noong una siya ang naghahatid sa amin ng kakambal ko dahil Grade I palang kami at hindi pedeng pabayaan. Grade I palang ay marunong na kaming magbasa ng Ingles at Tagalog. Favorite kong subject noong Grade I ako ay English. Sa mga ka kaklase ko ay may kambal din, Lalake si France at London, Jonson at Jayson nakakatuwa nga e biro sa isang room tatlo ang kambal. Minsan tinatamad akong mag-aral dahil gusto ko nang umuwi at mag laro pero minsan lang naman un kahit ganun medyo mataas parin naman ang grade ko.
Habang bakasyon ay bumibili na ng paunti-unti ang inay ng aming mga gagamitin sa paaralan. Tinutulungan naman siya ng tiya ko na nasa Abroad sa mga gastusin, kaya siya tumutulong ay kapatid niya ang tatay ko. Nang pasukan na ay kasama namin ang inay Grade II-B sana ang seksyon namin kung hindi lang umiyak ang kakambal ko. Tinanong lang siya ng Guro ko ay umiyak na agad kaya napapunta kami sa seksyon D. lagi kaming absent noong Grade II kasi lagi kaming nagkakasakit. Ang teacher ko ay si Mrs. Alcantara, matanda na siya. Noong Grade II ako ay nag-asawa ulit ang inay kaya nadagdagan ang aking mga kapatid kaya naging walo na kami hirap na hirap kami noon dahil nabuntis ang inay kaya hindi siya nakakapagtrabaho. Asawa niya ang nagtatrabaho, peo hindi sapat ang kanyang kinitita para sa amin pero kahit ganun ay masaya pa rin naman. Dahil lagi nga kaming absent ay bumaba ang grades ko.
Ako noong Grade III
Sa Ikatlong baytang naman ay nagkaroon ako ng kaibigan na sina Kris Anne Veronica. Ang aking Guro ay si Mrs. Secretario na may kasungitan minsan pero mabait naman. Sa Math nga kung ilang ang mali mo ay hahampasin sa kamay mo. Sa Science naman ay inilaban ako sa Contest at nakakuha ako ng Award na Third place. Ilalaban din sana ako sa kantahan pero hndi natuloy dahil nahihiya ako at kaklase ko ang lumaban ayan tuloy na talo siya.
Ikaapat na baytang ay nadagdagan na naman ang aking mga kaibigan. Naging kaibigan ko ang transfer na si Donaly. Kaming apat nina Kris Anne, Donaly at kakambal ko ang laging magkakasama. Minsan magkaaway kami ni Kris Anne ay Donaly ako sumasama. Siyam na taon ako ng Grade IV at siyam na taon din nang ako ay nagkapeklat sa binti dahil sa bike. Marunong naman akong magbike kaso lang nagkamali ako nang pagpadyak kaya nagkasugat ako. Ang sakit nga e.
Habang bakasyon palagi kaming naglalaro nina Vj, Jer-v, at kuya ko. Ang palagi naming nilalaro noon ay sipa bola. Maghapon kaming naglalaro kami pagsapit ng hapon ay ang sakit na ng ulo ko at nag-iinit pa ang mukha ko. Hindi pa ako marunong maglinis ng katawan noon kaya basta nalang ako natutulog at hindi naglilinis.
Minsan nag-aaway ami ng kakambal ko at nag-aagawan sa lahat ng bagay. Isang araw, nang kami ay magkaaway ay nahampas niya ako sa mata akala ko ay mabubulag na ako. Gusting-gusto kong gumanti, hindi lang ako makaganti at baka lalo pang masubrahan kaya pinabayaan ko nalang sa ibang araw nalang humanda siya sa akin.
Kami nang Kakambal ko noong Grade IV
Noong ako a Grade V kaklase ko pa rin si Kris Anne at si liet. Si Ms. Danila ang guro naming. Tandang-tanda ko noon, may nagkaCrush daw sa akin at nanligaw pa nga, pero hindi ko pa naman alam ang mga ganung bagay dati dahil 10 Years Old pa lang ako noon. Naiinis ako minsang pumasok dahil sa mga kaklase kong pala asar pero hindi ko nalang sila pinapansin. Pagkatapos naming magGrade V ay lumipat kami ng tirahan at ipinagbili ang aming bahay dahil ang kapatid ko ay may diperensya sa pag-iisip. Palagi siyang naggagala tapos kapag umuwi ay puro problema pa ang dala.
Nang kami ay nakalipat na a doon na rin kami pumasok sa Lakeside. Sa Marino kami lumipat. Noong una ay nahihiya pa akong pumasok dahil transfer lang ako at wala pa akong mga kakilala. Hindi kami magkaklase ng kakambal ko dahil pinagpiliaan kami ng dalawang guro doon sa paaralan ako napapunta sa seksyon A at B naman ang kakambal ko. Nagkaroon ako nang mga mababait na kaibigan. Gusto ko na lagging pumasok dahil sa mga kaibigan at ayoko doon sa bagong bahay naming dahil natatakot ako. Nagkasakit ang kakambal ko kaya napatigil kami sa pag-aaral dahil ang kakambal ko ay lagging pinapagamot. Gagraduate n asana ako noon hindi lang natuloy.
Kaya nang sumunod na taon sa ibang paaralan na kami pumasok sa Magcase Ville Elementary School. Doon kami nag-aral ng Grade VI. Sa una nakakahiya pa dahil transfer lang ako. Hindi nagtagal nagkaroon na ako ng mga bagong kaibigan, isa na roon ang pinakakaclose ko sa lahat na si MariCris. Dahil nga  mayroon na akong kaibigan at hindi ko na lagging kasama ang aking kakambal. Nang Graduation ay masayang-masaya ang inay dahil makakagraduate na kami.
Bakasyon at masayang-masaya ang lahat. Habang bakasyon noon ay isinisama ako ng tiya ko sa Iglesia ni cristo. Lahat ay ibinibigay niya sakin, at binibigyan ng magagandang mga damit. Tuwing huwebes at lingo ay sumasama ako sa pagsamba, kasama din ang aking kakambal noong una, pero noong tumagal na ay umayaw na rin siya sa pagsamba dahil mas gusto niya sa inay. Ako din naman gusto ko nang umuwi sa inay dahil nalulungkot ako sa tuwing nag-iisa ako sa bahay ng tiya ko. Nagsawa na rin akong sumamba sa Iglesia, dahil hindi ko naman talaga gusto doon , nahihiya lang ako sa tiya ko. Noong babawtismahan na ako ay umalis ako kaya parang nagalit ang tiya ko. Simula noon ay hinsi na ako pumupunta sa tiya ko, dahil sa pakiramdam ko siya`y nagalit kaya ko lang naman ginawa yun, dahil hindi naman ako Masaya doon sa tiya ko ako pumunta, isinama niya kaming dalawang ng kakambal ko sa Church of Christ sa simula ay ayaw ko dahil nakakahiya, habang tumagal ay nagustuhan ko na rin.
Kami noong 1st year
Matapos kaming makapag-Enroll aybumili na kami ng mga gagamitin sa pagpasok. Nang pasukan na ay nahihiya pa ako dahil wala pa akong mga kakilala. Bilang First Year High School ay mahirap at nakakatakot. Iyon ang akala ko, hindi naman pala nagkaroon ako ng mga kaibigan na sina Chistina, Michelle, Rachell, Rosalyn at Ruby Grace. Si Christina ang lagi kong kasama, siya ang pinakamalapit sa lahat ng mga kaibigan ko nung ako ay First Year favorite teacher  naming ni Christina si Mrs. Bueno, kaso lang hindi na siya ngayon nagtuturo sa Dizon High School. Noong si Mrs. Bueno pa ang teacher ay inilaban niya kam isa Filipino  kahit hindi kami nanalo ay binigyan niya kami ng magandang grade. Noong First year, simple lang ako, hindi pa ako marunong magpulbo.ang itim ko nga noong First year e.
Kami noong 2nd year
Nakapasa ako ng First year at tumaas ng isa ang seksyon ko. 2-F ako at kaklse ko pa rin ang kakambal ko nagkaroon ulit ako ng mga bagong kaibigan na sina Norilyn, Melody, Arzel. Mahilig akong kumanta kaya pinakanta ako ni Sr. Ang at si Norilyn. Ang saya-saya tuwing Math na dahil nakakatawa an gaming guro na si Sr. Ang.
Ako, Arlene at Norilyn noong 3rd year
Noong ako ay Third year ay F pa rin ang seksyon ko. Ang Adviser ko ay si Ms. Deomano. Ako ang Treasurer sa amin kaya ako lagi ang naghahawak ng pera. Paborito kong teacher ay si ms. Deomano at Mrs. Gonzales. Hindi ako nakasali ng JS noon dahil hindi ako pinayagan ng kuya ko at bawal din sa relihiyon naming. Nakapasa ako noong Third year.
Ako ngayong 4th year
At ngayon na Fourth year na ako. Noong una ayoko sa seksyon namin dahil wala akong masyadong kakilala. Gusto ko sanang magpalipat kaso lang hindi pumayag ang Adviser ko. Pero nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan na sina Jazzmine, Jessica at marami pang iba. Tapos may nanligaw sakin na classmate ko,  pero hindi ko muna siya sinagot. Sinagot ko na siya  noong Agosto 09,2011. Siya si Odigerb V. Flores. Kami pa rin hanggang ngayon. Sana tumagal pa kami.
Kapag nakagraduate na ako ay tutulungan ko ang inay. Maghahanap ako ng trabaho para naman makatulong ako sa kanya. Pangarap kong isang maging guro. Kaya gagawin ko ang lahat para makamit ko ito. Magsisikap ako at magtitiyaga para makamit ko lahat ng pangarap ko.

Saturday, February 19, 2011


SINO NGA BA TALAGA SI GEMMA EUGENIO?
(talambuhay ni Gemma Eugenio 4e)
Ako noong ako ay 3rd year high school.

        Ayon sa kwento ng aking ina sila daw ay nagkakilala ng aking ama sa isang baranggay sa cabanatuan city,kung saan ay dati siyang namamasukan sa kanyang tiyahin na may patahian sa kanilang bahay.Ikinasal ang mga magulang ko sa huwes lamang,tatlo kaming naging bunga ng kanilang pagmamahalan.
                        Ako ang pangnay at nag-iisang babae ipinanganak ako noong Hunyo 26,1995 at ang sumunod naman sa akin ay dalawang lalaki ang sumunod sa akin,noong ako ay maliit pa lamang si mama ang nag-aalaga sa akin kahit na siya ay namamasukan pa noon sa kanyang tiyahin na malapit lamang sa amin ang tahanan,inaruga din ako nang mga tiyuhin at tiyahin ng aking ama na noon ay nakatira pa sa maynila.
                        Nang ako ay tumungtong sa edad na maari nang ibiyahe nang malayuan lagi na akong nasa maynila pabalik-balik dahil na din sa ang nag-aalaga  sa akin ay nasa maynila ang mga tiyuhin at tiyahin nang aking ama,nagsimula akong huminto sa pagpunta sa maynila nang ako ay magsimula nang pumasok sa paaralan.Hindi nagging madali sa akin ang pag-aaral dahil na rin sa palipat-lipat kami noon ng tirahan noong mag kinder ako ay sa  palagay elementary school ako pumasok.
                        Apat na taon pa lamang ako noon nang ako ay mag simulang mag-aral ng kinder hindi naman naging hadlang ang aking edad upang makapasok agad ng kinder dahil na rin siguro sa malaki akong bata noon hindi bakas sa aking pangangatawan na ako ay apat na taon pa lamang,sa kinder inumpisahan kaming turuan kung paano ang magbilang,magsulat at magbasa.Noong ako ay nasa kinder mahilig ako noon sumali sa mga program ng eskwelahan namin sumali ako noon sa paligsahan sa folk dance natural at bata sabi ng aking lola kay bilis ko daw matuto noon kaya ang mga step na itinuturo ay nasusundan ko sumali rin ako noon sa kalisteniks,sa kantahan.Hindi ko malilimutan nang kami ay sumali sa isang interschool contest sa Mayapyap,Cabanatuan City,tandang tada ko pa noon habang ako ay kumakanta at kinukanan ng litrato ng isang litratista pinagalitan ako ng litratista natural at bata umiyak ako noon pero tuloy parin akop sa pag-kanta kahit na garalgal na ang boses ko noon hindi ko na natapos ang kinakanta ko noon nasisi pa nga ako noon dahil kung hindi daw ako umiyak sana kami ang nanalo.Ngunit natpaos din naman ako ng kinder ng may parangal.
                           Limang taon lamang ako ng pumasok ako sa unang baitang hindi naman ako nahirapan makisalamuha sa aking kapuwa mag-aaral dahil ang mga kamag-aral ko noong kinder ay siya ko rin kamag-aral sa unang baitang at ang guro namin noon ay si Gng.Cornelia Driz.Hindi naman mahirap ang unang baitang mabait nga noon ang guro namin kasi kapag wala kaming ginagawa pinapatulog kami,tanda ko pa noon na pagkatapos ng klase namin sa tanghali uuwi ako at kakain ng tanghalian nagmamadali ako lagi noon kumain kasi pagkatapos ko kumain pumapasok agad ako at nakikipaglaro sa mga kamag-aral ko noon ng piko,chinesegarter at kung anu-ano pa.At pag kaawas naming sa hapon tuloy ako sa bahay para magbihis at lalabas kagad para makipaglaro sa mga pinsan ko kahit anong laro noon nilalaro ko kahit jolen na larong panlalaki.
                             Nang ako ay matapos ng grade 1 lumipat kami ng tirahan lumipat din ako ng paaralan malapit sa aking lola sa ina kung saan kami lumipat.Natatandaan ko noong nag enroll ako sa bulualto elementary school sa Bulualto,San Migel Bulacan pinabasa pa ako ng principal ng isang paragraph sa dyaryo nagtaka ako noon pero sabi ng principal na si Mrs.Imee Obiasca tinignan lamang daw niya kung mahusay ako bumasa ng ingles sa edad na anim na taong gulang natuwa naman siya dahl sa murang edad ko daw marunong at matatas akong bumigkas ng ingles.Bago ako pumasok ng ikalawang baitang namatay ang aking paboritong lolo iyak ako ng iyak noon nahihirapan din akong matulog noongf burol ng aking lolo dahil gusto ko na palagi akong nakaupo katabi ng kanyang kabaong nang mamatay ang lolo ko madami akong names sakaniya gaya ng lagi niyang pagpapatawa at lagging pag-aalala sa akin sila din ng lola ko ang nag-alaga sa akin kaya hindi ko siya makakalimutan.
                        Hindi nagging mahirap ang makibagay sa mga bago kong kamag-aral ngunit hindi naman maalis ang magkaroon ka ng kagalit sa mga kamag-aral mo tanda ko pa noon dahil sa kalikutan naming noon nasira namin ang isang display ni ma’am at ng dumating siya pinalo niya kami.tanda ko rin noon na may nakasabunutan akong kamag-aral ko napalo din kami noon ni ma’am,at ang huli sa lahat na hindi ko makakalimutan sa buhay ng isang estudiyante ng grade 2 habang kami ay nagtatakbuhan papunta sa science laboratory upang manuod ng pelikula dahil sa wala naman kami noong klase aksidente akong naitulak ng aking kamag-aral nasugatan buong siko ko noon sa makatuwid natuklap ang balat ng siko ko sa pagkakagasgas sa semento. Hanggang ngayon dala ko pa rin ang palatandaang ito.
                     Nang matapos ako ng grade 2 lumipat ulit kami sa dati kong paaralan doon ako nag grade 3 at grade 4.nang matapos ako ng grade 4 lumipat ulit kami sa pinang galingan kong paaralan noong ako ay nasa ikalawang baitang ng dumating ang buwan ng septyembre ang aking ina ay nagpunta sa Saudi upang dooon magtrabaho bilang mananahi.Pagkatapos ko ng ikalimang baitang lumipat akong muli sa Cabanatuan doon ko na tinapos ang aking elementarya.
Noong ako ay 2nd year high school.
                      
                     Nang magsimula na ang pasukan para sa unang taon sa sekundarya o high school lumipat kaming muli sa lola ko sa San Miguel,Bulacan.Sa mababang paaralan ng San Roque sa Baluarte,Gapan,Nueva Ecija ako nag-aral.Madami akong nakilalang ibang tao nakilala ko ang iba’t-ibang ugali ng tao.Tanda kopa kung sino ang advicer ko noong first year ako siya si Mr. Basillio Tudla,napakabait na guro ni sir laging nag-papaparty kapag may okasyon gaya ng Christmas party at valentines day kami rin noon ang may pinaka malinis na kwarto sa buong paaralan.
                     Ngunit hindi talaga maiiwasan sa buhay ng isang tao ang magkaroon ng problema nasa first year high school ako noon ng magbalik ang aking ina galing sa Saudi  ngunit kasunod ng masayang pangyayaring iyon ay ang mnalungkot na katotohanan na kahit kalian ay hindi na sila magsasama ng aking ama naghiwalay sila noong hunyo 24 dalawang araw bago ang aking kaarawan napakasakit sa akin noon dahil bilang panganay at nakakaunawa na ako sa bawat pangyayari nasaktan ako dahil ang dating Masaya at buong pamilya noon ay hindi na muling maibabalik pa.hanggang ngayon ay hindi ko gaanong kinakausap ang aking ama dahil alamko na siya ang dahilan kung bakit nasira ang isang magandang pamilya noon may lihim din akong galit sakaniya dahil sa hindi niya pagbibigay ng sustento sa aming 3 magkakapatid.
Ako at si Charisse.

                   Hindi pa ako natatapos ng unang taon sa high school umalis muli ang aking ina upang bumalik sa Saudi at magtrabahong muli.Nang ako ay tumungtong sa ikalawang taon sa high school ng dumating ang buwan ng agosto bumalik ng muli ang aking ina galling sa Saudi pagkatapos mamalagi ng 3 taon sa deportasyon dahil sa isang pulis Saudi na nagkagusto kay mama ikinulong ang aking ina ng pulis na iyon dahil sa kagustuhang maging asawa ang aking ina pinili niya ang makulong na lam,ang at umuwi sa pilipinas upang kami ay makapiling buwan ng agosto ng siya ay makabalik sa pilipinas.Pagkalipas ng ilang buwan pinili niyang umalis sa bahay ng lola ko upang maghanap ng trabaho at napadpad nga siya ditto sa San Pablo ditto niya nakita ang kanyang swerte ng makatapos ako ng sekondarya sa high school, kinuha kami ni mama sa poder ng aking lola upang ditto pag –aralin sa San Pablo at nagpasiya na rin siya na ditto na tumira.
Ang best friend ko.

                      Naaalala ko noong unang mapunta ako sa paralan ng dizon high para pa akong bata noon kasama ko pa ang aking ina sa pag-eenrol,ang nagging guro ko sa ikatlong taon ng high school sa dizon high school ay si Mrs.Ma. Carmela Baylon na noong unang pakita ko ng aking card sakaniya ang sabi niya sakin “anong ginagawa mo sa seksyon ko?” dsahil siguro iyopn sa average ko sa card.Para pa ako noong nene ngunit hindi naglaon nasanay na rin ako sa buhay estudyante sa paaralang dizon high.Ngayon ako ay malapit ng magtapos ng high school sa dizon high ang advicer ko ngayon ay walang iba kundi si Mrs.Marife Calanasan ang napakabait kong guro.
                    Marami akong pangarap na sa tingin ko naman ay matutupad ko sa pamamagitan ng pagsisikap.
Sila ang bago kong mga kaibigan ngayong akoy nasa 4th year high school.