Ang talambuhay ni Aileen V.Catapang
![]() |
Kaming Dalawa ng Kakambal ko noong Isang Taong Gulang palang |
Kahit maaga akong naulila sa Ama ko ay nagging Masaya naman ako bilang bata kasana ang mga kapatid at mga kalaro ko, paggising pa lang sa umaga ay napunta na agad kami sa aming laruan doon sa manggahan. Naglalaro kami simula umaga at kapag nagutom ay umuuwi muna kami sa kani-kanilang bahay. Ang kuya ko ang nagluluto n gaming pagkain dahil wala ang Inay.
Anim na taong gulang na po ako nang pumasok ako ng Grade I hindi na ako pinagKinder dahil hindi na kami nya mababantayan dahil nagtatrabaho siya. Pero noong una siya ang naghahatid sa amin ng kakambal ko dahil Grade I palang kami at hindi pedeng pabayaan. Grade I palang ay marunong na kaming magbasa ng Ingles at Tagalog. Favorite kong subject noong Grade I ako ay English. Sa mga ka kaklase ko ay may kambal din, Lalake si France at London, Jonson at Jayson nakakatuwa nga e biro sa isang room tatlo ang kambal. Minsan tinatamad akong mag-aral dahil gusto ko nang umuwi at mag laro pero minsan lang naman un kahit ganun medyo mataas parin naman ang grade ko.
Habang bakasyon ay bumibili na ng paunti-unti ang inay ng aming mga gagamitin sa paaralan. Tinutulungan naman siya ng tiya ko na nasa Abroad sa mga gastusin, kaya siya tumutulong ay kapatid niya ang tatay ko. Nang pasukan na ay kasama namin ang inay Grade II-B sana ang seksyon namin kung hindi lang umiyak ang kakambal ko. Tinanong lang siya ng Guro ko ay umiyak na agad kaya napapunta kami sa seksyon D. lagi kaming absent noong Grade II kasi lagi kaming nagkakasakit. Ang teacher ko ay si Mrs. Alcantara, matanda na siya. Noong Grade II ako ay nag-asawa ulit ang inay kaya nadagdagan ang aking mga kapatid kaya naging walo na kami hirap na hirap kami noon dahil nabuntis ang inay kaya hindi siya nakakapagtrabaho. Asawa niya ang nagtatrabaho, peo hindi sapat ang kanyang kinitita para sa amin pero kahit ganun ay masaya pa rin naman. Dahil lagi nga kaming absent ay bumaba ang grades ko.
![]() |
Ako noong Grade III |
Ikaapat na baytang ay nadagdagan na naman ang aking mga kaibigan. Naging kaibigan ko ang transfer na si Donaly. Kaming apat nina Kris Anne, Donaly at kakambal ko ang laging magkakasama. Minsan magkaaway kami ni Kris Anne ay Donaly ako sumasama. Siyam na taon ako ng Grade IV at siyam na taon din nang ako ay nagkapeklat sa binti dahil sa bike. Marunong naman akong magbike kaso lang nagkamali ako nang pagpadyak kaya nagkasugat ako. Ang sakit nga e.
Habang bakasyon palagi kaming naglalaro nina Vj, Jer-v, at kuya ko. Ang palagi naming nilalaro noon ay sipa bola. Maghapon kaming naglalaro kami pagsapit ng hapon ay ang sakit na ng ulo ko at nag-iinit pa ang mukha ko. Hindi pa ako marunong maglinis ng katawan noon kaya basta nalang ako natutulog at hindi naglilinis.
Minsan nag-aaway ami ng kakambal ko at nag-aagawan sa lahat ng bagay. Isang araw, nang kami ay magkaaway ay nahampas niya ako sa mata akala ko ay mabubulag na ako. Gusting-gusto kong gumanti, hindi lang ako makaganti at baka lalo pang masubrahan kaya pinabayaan ko nalang sa ibang araw nalang humanda siya sa akin.
![]() |
Kami nang Kakambal ko noong Grade IV |
Nang kami ay nakalipat na a doon na rin kami pumasok sa Lakeside. Sa Marino kami lumipat. Noong una ay nahihiya pa akong pumasok dahil transfer lang ako at wala pa akong mga kakilala. Hindi kami magkaklase ng kakambal ko dahil pinagpiliaan kami ng dalawang guro doon sa paaralan ako napapunta sa seksyon A at B naman ang kakambal ko. Nagkaroon ako nang mga mababait na kaibigan. Gusto ko na lagging pumasok dahil sa mga kaibigan at ayoko doon sa bagong bahay naming dahil natatakot ako. Nagkasakit ang kakambal ko kaya napatigil kami sa pag-aaral dahil ang kakambal ko ay lagging pinapagamot. Gagraduate n asana ako noon hindi lang natuloy.
Kaya nang sumunod na taon sa ibang paaralan na kami pumasok sa Magcase Ville Elementary School. Doon kami nag-aral ng Grade VI. Sa una nakakahiya pa dahil transfer lang ako. Hindi nagtagal nagkaroon na ako ng mga bagong kaibigan, isa na roon ang pinakakaclose ko sa lahat na si MariCris. Dahil nga mayroon na akong kaibigan at hindi ko na lagging kasama ang aking kakambal. Nang Graduation ay masayang-masaya ang inay dahil makakagraduate na kami.
Bakasyon at masayang-masaya ang lahat. Habang bakasyon noon ay isinisama ako ng tiya ko sa Iglesia ni cristo. Lahat ay ibinibigay niya sakin, at binibigyan ng magagandang mga damit. Tuwing huwebes at lingo ay sumasama ako sa pagsamba, kasama din ang aking kakambal noong una, pero noong tumagal na ay umayaw na rin siya sa pagsamba dahil mas gusto niya sa inay. Ako din naman gusto ko nang umuwi sa inay dahil nalulungkot ako sa tuwing nag-iisa ako sa bahay ng tiya ko. Nagsawa na rin akong sumamba sa Iglesia, dahil hindi ko naman talaga gusto doon , nahihiya lang ako sa tiya ko. Noong babawtismahan na ako ay umalis ako kaya parang nagalit ang tiya ko. Simula noon ay hinsi na ako pumupunta sa tiya ko, dahil sa pakiramdam ko siya`y nagalit kaya ko lang naman ginawa yun, dahil hindi naman ako Masaya doon sa tiya ko ako pumunta, isinama niya kaming dalawang ng kakambal ko sa Church of Christ sa simula ay ayaw ko dahil nakakahiya, habang tumagal ay nagustuhan ko na rin.
![]() |
Kami noong 1st year |
![]() |
Kami noong 2nd year |
![]() |
Ako, Arlene at Norilyn noong 3rd year |
![]() |
Ako ngayong 4th year |
Kapag nakagraduate na ako ay tutulungan ko ang inay. Maghahanap ako ng trabaho para naman makatulong ako sa kanya. Pangarap kong isang maging guro. Kaya gagawin ko ang lahat para makamit ko ito. Magsisikap ako at magtitiyaga para makamit ko lahat ng pangarap ko.
No comments:
Post a Comment