Monday, February 21, 2011

Ang Babaeng Laging Huli sa Klase (Ang Talambuhay ni Hazelyn Solis)

              


      Ako si Hazelyn Solis, isinilang ako noong ika-15 ng Abril,1995 sa Sta. Ma. Magdalena S.P.C.Ang aking mga magulang ay sina Agustin at Teodora Solis.Pang anim ako sa walong magkakapatid.

      Noong ako ay ipinaglilihi pa lamang ng aking ina hindi siya makatulog ng ayos.Ipinaglilihi ako noon sa balot.Buwanan kung magpatingin sa doktor ang aking ina para matingnan ang kalusugan ko at nang aking ina.Magwawalong buwan na ako ng ipinagbubuntis ng aking ina  ay madalas sumakit ang tiyan niya.Siguro nga ay malapit na niya akong ilabas sa kanyang sinapupunan.Hindi na rin siya makatulog ng ayos.Manganganak na ang aking ina ngunit hindi na nadala sa hospital ang aking ina.Tumawag nalang ng hilot ang aking mga tiyahin na magpapaanak sa aking ina.Hindi mapakali ang aking ama hanggat hindi pa ako nailuluwal kaya ng marinig niya ang aking iyak ay naging kampante na siya.Napakasaya nila ng mga araw na iyon.Magpepyesta na at doon na isinabay ang aking binyag.
ito ang aking larawan noong ako ay isang taong gulang kasama ko ang aking mga pinsan


        Isang taon gulang ako sa larawang iyan.Buhat ako ng aking pinsan dahil kukuhanan kami ng picture.Kailangan pa daw akong patawanin bago kami picturan.Naiyak ako kapag hindi ako kinakausap at hindi binubuhat.Mahirap ako patahanin hanggat wala ang aking ina dahil kapag ina ko ang bumuhat sakin ay saka lang ako tatahan.                                                    
     
ito ay aking larawan noong ako ay dalawang taong gulang pa lamang pa lamang,nasa bahay ako ng aking lola


        Ang larawan na ito ay noong ako ay dalawang taon gulang pa lamang.Kaarawan ko noon at sa bahay ng aking lola ginanap ang ang aking pangalawang kaarawan madaming tao,syempre meron din namang mga dalang regalo.Marami akong handa kaya maraming pumunta.Ang mga tiyahin ko ay tuwang tuwa sa akin dahil mataba at ang cute ko pa daw.Sa edad na tatlo ay napakalikot ko na kaya minsan ay nagkakaroon ako ng peklat.Limang taong gulang ako ay lagi akong napapalo ng aking ama dahil napakaiyakin ko.Lagi nalang akong napagsasabihan dahil sa laro nalang ang aking inaatupag.Kaya kapag nagkakasama kami ng aking mga pinsan ay napakagulo namin.Lagi kami naglalaro ng sipa bola,patintero at kung gabi ay taguan.Ang mga larong iyan ay ang malimit naming laruin ng aking mga pinsan.Napakaduwag ko noon kaya hindi ako nagtatago kapag nag iisa.Uuwi lang ako sa aming bahay kapag gutom at tinatawag na ako para kumain.Kinaumagahan ay napakaaga kong gumising dahil kapag narinig ko ang mga pinsan ko ay mabilis akong babangon at kakain pagkatapos ay lalabas para maglaro.
  
      Noong ako ay limang taong gulang din natutong magsulat.Pagtungtong ko ng unang baitang sa elementarya ay hindi naging madali para sa akin.Sa tuwing ako ay papasok ay lagi akong naiyak hindi ak0o maiiwan ng aking ina sapagkat humahabol ako sakanya.Minsan pa nga ay kapag ayaw kong pumasok ay napapalo ako ng aking ama.Sa paglipas ng mga araw ay naging madali na sa akin.Hindi katulad noong unang araw ng pasukan.Nakilala ko at naging close ang aking mga kaklase .Pero hindi ko pa rin maiwasan ang mahuli sa klase.Ikalawang baitang na ay hindi na naiba ang aking mga kamag-aaral.Ang mga kamag-aaral ko noong nasa unang baitang ako ay sila parin ang aking mga kaklase.Sa pagtungtong ko sa ikalimang baitang ay nakahiliga ko ang maglaro ng soccer.Sinali ako ng aking guro sa soccer para sa nalalapit na district meet namin.Ayaw akong pasalihin ng aking ina sa laro ngunit wala siyang nagawa dahil iyon ang aking nagustuhan.Nanalo kami sa district meet at lima kaming napili para lumaro sa division meet.Sa unang laro namin ay natanghali ako ng gising kaya nakakahiya dahil nagantay ang coach namin ng matagal.Unang laro namin ay ambray ang aming nakalaban.Sobrang saya ko noon dahil ako ang unang nakapagpashoot ng bola sa team namin.Tuwang-tuwa ang coach namin sa akin.Nang makalaban namin ang Fule Almeda ay doon ako natamaan nang sbola sa mukha.Sila din ang nanalo sa larong iyo kaya nanlumo kaming lahat.pero sabi ng aming coach "ayos lang iyon hindi naman nasayang ang pagod ninyo kahit papano ay binigay nyo nang husto ang effort nyo".Kahit na wala kaming nakuhang place ay ayos lang dahil nagkaisa kami at naging masaya.
     Pagtungtong ko sa ikaanim na baitang ay lagi pa rin akong huli sa aming klase.Ako ang pangalawa sa pinakamalapit sa aming magkakaklase.Ngunit lagi parin ako nahuhuli.Malimit na rin akong lumiban sa klase sa dahilang graduating ako.Hindi na rin ako pinasal ng aking guro sa soccer dahil sa aming RAT.Sa aming graduation day halos lahat kami ng aking kamagaaral ay napaiyak habang kumakanta ng aming graduation song.Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil lahat kami8 a nkagraduate.
   
      Sa pagpasok ko nang firstyear ay napili kong pumasok sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National H/S dahil doon nagtuturo ang aking panganay na kapatid.Noong una mukha pa akong tanga kase hindi ko pa alam ang pasikot-sikot sa lugar na iyon.Ang dami rin na nagsasabi na estudyante doon na parang mga tanga ang first year at tandand tanda ko noon balugain pa ako.Sa unang araw ko na pumasok ako ay nahuli ako sa unang subject namin.muntik na rin akong mapaiyak dahil sa hiya.mabuti nalang at kaklase ko ang aking dating kaklase sa elementarya.Lumipas ang mga araw na nakilala at nakausap ko ang aking mga kaklase.Mukha kaming tanga dahil lagi kami9 naglalro ng sipa at chinese garter.Napapagalitan ako ng aking ina dahil nireregla na daw ako ay naglalaro pa ako.Noong first year ako ay mabait at palakaibigan ako at first year ako ay lumaban kami nanag ibong adarna.Natalo kami pero ayos lang.Noong ako ay nag 2nd year dito na ako natuto manamit at mag-ayos,dito rin ako ngsimulang magka bf.Iba ang feeling nang may bf nagiging inspirasyon mo siya kapag pumapasok ka.





ito ay larawan ko noong kami ay lumaban ng Florante at Laura kasama ko ang aking kaibigan na si Katherine


      Ang larawan na iyan ay noong kami ay ay nagpresent ng Florante at Laura.Ang kasama ko sa larawan na iyan ay si katherine.Isa siya sa matalik kong kaibigan date.Kami ang aawit noong time na iyon.Nakamit namin ang 2nd place sa lahat ng mang aawit.Hindi lang kami ang may place na nakuha kundi lahat kami.Matatapos na ang taon ay saka pa ako nagkaroon ng problema.Bagsak ako sa isa kong asignatura at ayun ay ang A.P.Napaiyak nako  noon dahil kahit na anong pakiusap  ko ay hindi tinatanggap.Kaya sa pagdating ko sa 3rd year ay napakahirap.Napakahirap sa akin dahil kailangtan kong pumasok ng 7:00 para sa aking back subject.Mahirap din sakin dahil ang guro ko pa noon ang naging guro ko sa aking back subject.Lumipas ang araw na lagi akong nahuhuli at dumating ang oras na hindi na ako tinanggap nang aking guro.Mapapaiyak na ako noon pero sinabi sa akin nang aking advicer "bruha ka wag kang umiyak pumunta kay mam Perez baka pwede ka doon".Sobrang saya ko dahil tinanggap ako ni mam Perez.


ito ay larawan ko noong kami ay nag js noong 3rd yr kasama ko rin ang aking mga kaibigan


       Isa pa sa hindi ko makakalimutan ay ang aming js prom.Ang saya saya pala lalo na kung first time mo lang.Kung sinu-sino ang nagsasayaw sayo kaya noong mga araw na iyon ay sobrang saya ko at ito ang hinding hindi ka malilimutan sa buong buhay ko.At sa wakas ay naipasa ko ang aking A.P 2.
ito ay larawan ko ngayong 4th yr kasama ko ang aking mga kaibigan na sina angel at lyza


    
       Ngayon ako ay 4th year ay napakasaya ko.Ang aking mga bagong kaibigan ang napapasaya sa akin.Si Alyssa at Angelou ang nagpapasaya sakin.Kapag meron akong problema ay sila ang nagpapalakas ng aking loob.Sila ang kaibigan na hindi nang iiwan sa ere.Kaibigan na maituturing kong kapatid.Katulad nila,ngayon ay ginagawa ko ang lahat para ako ay makasama sa mga gagaraduate.Hindi lang para sa aking magulang at kapatid pati na rin sa aking sarili.

No comments:

Post a Comment