Saturday, February 19, 2011


SINO NGA BA TALAGA SI GEMMA EUGENIO?
(talambuhay ni Gemma Eugenio 4e)
Ako noong ako ay 3rd year high school.

        Ayon sa kwento ng aking ina sila daw ay nagkakilala ng aking ama sa isang baranggay sa cabanatuan city,kung saan ay dati siyang namamasukan sa kanyang tiyahin na may patahian sa kanilang bahay.Ikinasal ang mga magulang ko sa huwes lamang,tatlo kaming naging bunga ng kanilang pagmamahalan.
                        Ako ang pangnay at nag-iisang babae ipinanganak ako noong Hunyo 26,1995 at ang sumunod naman sa akin ay dalawang lalaki ang sumunod sa akin,noong ako ay maliit pa lamang si mama ang nag-aalaga sa akin kahit na siya ay namamasukan pa noon sa kanyang tiyahin na malapit lamang sa amin ang tahanan,inaruga din ako nang mga tiyuhin at tiyahin ng aking ama na noon ay nakatira pa sa maynila.
                        Nang ako ay tumungtong sa edad na maari nang ibiyahe nang malayuan lagi na akong nasa maynila pabalik-balik dahil na din sa ang nag-aalaga  sa akin ay nasa maynila ang mga tiyuhin at tiyahin nang aking ama,nagsimula akong huminto sa pagpunta sa maynila nang ako ay magsimula nang pumasok sa paaralan.Hindi nagging madali sa akin ang pag-aaral dahil na rin sa palipat-lipat kami noon ng tirahan noong mag kinder ako ay sa  palagay elementary school ako pumasok.
                        Apat na taon pa lamang ako noon nang ako ay mag simulang mag-aral ng kinder hindi naman naging hadlang ang aking edad upang makapasok agad ng kinder dahil na rin siguro sa malaki akong bata noon hindi bakas sa aking pangangatawan na ako ay apat na taon pa lamang,sa kinder inumpisahan kaming turuan kung paano ang magbilang,magsulat at magbasa.Noong ako ay nasa kinder mahilig ako noon sumali sa mga program ng eskwelahan namin sumali ako noon sa paligsahan sa folk dance natural at bata sabi ng aking lola kay bilis ko daw matuto noon kaya ang mga step na itinuturo ay nasusundan ko sumali rin ako noon sa kalisteniks,sa kantahan.Hindi ko malilimutan nang kami ay sumali sa isang interschool contest sa Mayapyap,Cabanatuan City,tandang tada ko pa noon habang ako ay kumakanta at kinukanan ng litrato ng isang litratista pinagalitan ako ng litratista natural at bata umiyak ako noon pero tuloy parin akop sa pag-kanta kahit na garalgal na ang boses ko noon hindi ko na natapos ang kinakanta ko noon nasisi pa nga ako noon dahil kung hindi daw ako umiyak sana kami ang nanalo.Ngunit natpaos din naman ako ng kinder ng may parangal.
                           Limang taon lamang ako ng pumasok ako sa unang baitang hindi naman ako nahirapan makisalamuha sa aking kapuwa mag-aaral dahil ang mga kamag-aral ko noong kinder ay siya ko rin kamag-aral sa unang baitang at ang guro namin noon ay si Gng.Cornelia Driz.Hindi naman mahirap ang unang baitang mabait nga noon ang guro namin kasi kapag wala kaming ginagawa pinapatulog kami,tanda ko pa noon na pagkatapos ng klase namin sa tanghali uuwi ako at kakain ng tanghalian nagmamadali ako lagi noon kumain kasi pagkatapos ko kumain pumapasok agad ako at nakikipaglaro sa mga kamag-aral ko noon ng piko,chinesegarter at kung anu-ano pa.At pag kaawas naming sa hapon tuloy ako sa bahay para magbihis at lalabas kagad para makipaglaro sa mga pinsan ko kahit anong laro noon nilalaro ko kahit jolen na larong panlalaki.
                             Nang ako ay matapos ng grade 1 lumipat kami ng tirahan lumipat din ako ng paaralan malapit sa aking lola sa ina kung saan kami lumipat.Natatandaan ko noong nag enroll ako sa bulualto elementary school sa Bulualto,San Migel Bulacan pinabasa pa ako ng principal ng isang paragraph sa dyaryo nagtaka ako noon pero sabi ng principal na si Mrs.Imee Obiasca tinignan lamang daw niya kung mahusay ako bumasa ng ingles sa edad na anim na taong gulang natuwa naman siya dahl sa murang edad ko daw marunong at matatas akong bumigkas ng ingles.Bago ako pumasok ng ikalawang baitang namatay ang aking paboritong lolo iyak ako ng iyak noon nahihirapan din akong matulog noongf burol ng aking lolo dahil gusto ko na palagi akong nakaupo katabi ng kanyang kabaong nang mamatay ang lolo ko madami akong names sakaniya gaya ng lagi niyang pagpapatawa at lagging pag-aalala sa akin sila din ng lola ko ang nag-alaga sa akin kaya hindi ko siya makakalimutan.
                        Hindi nagging mahirap ang makibagay sa mga bago kong kamag-aral ngunit hindi naman maalis ang magkaroon ka ng kagalit sa mga kamag-aral mo tanda ko pa noon dahil sa kalikutan naming noon nasira namin ang isang display ni ma’am at ng dumating siya pinalo niya kami.tanda ko rin noon na may nakasabunutan akong kamag-aral ko napalo din kami noon ni ma’am,at ang huli sa lahat na hindi ko makakalimutan sa buhay ng isang estudiyante ng grade 2 habang kami ay nagtatakbuhan papunta sa science laboratory upang manuod ng pelikula dahil sa wala naman kami noong klase aksidente akong naitulak ng aking kamag-aral nasugatan buong siko ko noon sa makatuwid natuklap ang balat ng siko ko sa pagkakagasgas sa semento. Hanggang ngayon dala ko pa rin ang palatandaang ito.
                     Nang matapos ako ng grade 2 lumipat ulit kami sa dati kong paaralan doon ako nag grade 3 at grade 4.nang matapos ako ng grade 4 lumipat ulit kami sa pinang galingan kong paaralan noong ako ay nasa ikalawang baitang ng dumating ang buwan ng septyembre ang aking ina ay nagpunta sa Saudi upang dooon magtrabaho bilang mananahi.Pagkatapos ko ng ikalimang baitang lumipat akong muli sa Cabanatuan doon ko na tinapos ang aking elementarya.
Noong ako ay 2nd year high school.
                      
                     Nang magsimula na ang pasukan para sa unang taon sa sekundarya o high school lumipat kaming muli sa lola ko sa San Miguel,Bulacan.Sa mababang paaralan ng San Roque sa Baluarte,Gapan,Nueva Ecija ako nag-aral.Madami akong nakilalang ibang tao nakilala ko ang iba’t-ibang ugali ng tao.Tanda kopa kung sino ang advicer ko noong first year ako siya si Mr. Basillio Tudla,napakabait na guro ni sir laging nag-papaparty kapag may okasyon gaya ng Christmas party at valentines day kami rin noon ang may pinaka malinis na kwarto sa buong paaralan.
                     Ngunit hindi talaga maiiwasan sa buhay ng isang tao ang magkaroon ng problema nasa first year high school ako noon ng magbalik ang aking ina galing sa Saudi  ngunit kasunod ng masayang pangyayaring iyon ay ang mnalungkot na katotohanan na kahit kalian ay hindi na sila magsasama ng aking ama naghiwalay sila noong hunyo 24 dalawang araw bago ang aking kaarawan napakasakit sa akin noon dahil bilang panganay at nakakaunawa na ako sa bawat pangyayari nasaktan ako dahil ang dating Masaya at buong pamilya noon ay hindi na muling maibabalik pa.hanggang ngayon ay hindi ko gaanong kinakausap ang aking ama dahil alamko na siya ang dahilan kung bakit nasira ang isang magandang pamilya noon may lihim din akong galit sakaniya dahil sa hindi niya pagbibigay ng sustento sa aming 3 magkakapatid.
Ako at si Charisse.

                   Hindi pa ako natatapos ng unang taon sa high school umalis muli ang aking ina upang bumalik sa Saudi at magtrabahong muli.Nang ako ay tumungtong sa ikalawang taon sa high school ng dumating ang buwan ng agosto bumalik ng muli ang aking ina galling sa Saudi pagkatapos mamalagi ng 3 taon sa deportasyon dahil sa isang pulis Saudi na nagkagusto kay mama ikinulong ang aking ina ng pulis na iyon dahil sa kagustuhang maging asawa ang aking ina pinili niya ang makulong na lam,ang at umuwi sa pilipinas upang kami ay makapiling buwan ng agosto ng siya ay makabalik sa pilipinas.Pagkalipas ng ilang buwan pinili niyang umalis sa bahay ng lola ko upang maghanap ng trabaho at napadpad nga siya ditto sa San Pablo ditto niya nakita ang kanyang swerte ng makatapos ako ng sekondarya sa high school, kinuha kami ni mama sa poder ng aking lola upang ditto pag –aralin sa San Pablo at nagpasiya na rin siya na ditto na tumira.
Ang best friend ko.

                      Naaalala ko noong unang mapunta ako sa paralan ng dizon high para pa akong bata noon kasama ko pa ang aking ina sa pag-eenrol,ang nagging guro ko sa ikatlong taon ng high school sa dizon high school ay si Mrs.Ma. Carmela Baylon na noong unang pakita ko ng aking card sakaniya ang sabi niya sakin “anong ginagawa mo sa seksyon ko?” dsahil siguro iyopn sa average ko sa card.Para pa ako noong nene ngunit hindi naglaon nasanay na rin ako sa buhay estudyante sa paaralang dizon high.Ngayon ako ay malapit ng magtapos ng high school sa dizon high ang advicer ko ngayon ay walang iba kundi si Mrs.Marife Calanasan ang napakabait kong guro.
                    Marami akong pangarap na sa tingin ko naman ay matutupad ko sa pamamagitan ng pagsisikap.
Sila ang bago kong mga kaibigan ngayong akoy nasa 4th year high school.

No comments:

Post a Comment